live.laugh.love

Sunday, January 13, 2008

 

tagalog post

nagkita na kami ni yssa kagabi. yey. sobrang na miss ko talaga siya tapos sinabihan niya nanaman ako, "van.. tumataba ka nanaman". haay kaya nga kailangang seryosohin ko na talaga yung problema na yun. isa pa nga palang problema, my goosh, kung saan-saan na ako napadpad ngayong araw na to, fit mart, mercury, sa parlor, simbahan.. pero ni hindi ko man lang nabuklat ang libro ko sa araling panlipunan, may quiz pa kami bukas. unang period. ang tanga ko talaga. anong oras na? alas otso 45. haha, ang hina ko talaga sa tagalog. sige gagawin ko lang tong layout ko tapos mag-aaral na ako. nga pala, share naman kayo ng study tips oh.. sobrang naiinis ako sa sarili ko ang hirap-hirap kasi para sa akin na magstudy.. huhu

Comments: Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]





<< Home

Archives

October 2007   November 2007   December 2007   January 2008   February 2008   March 2008   April 2008   May 2008   June 2008   July 2008   August 2008   September 2008   October 2008  

This page is powered by Blogger. Isn't yours?

Subscribe to Posts [Atom]