fudge ah. matagal ko na talagang pinapangarap na maging Supreme Student Council PRO, tapos ngayon. Si Anna pala.. Nakakainis. Di naman ako pwedeng umeksena sa kabilang partido kasi puros 4th years ang nandun. Manalo man siya o hindi, sigurado nang matatalo ako next year if ever tatakbo ako. Kasi ipapatakbo nanaman daw siya next year, kaya parang kilala na siya ng students. automatic talo na ako niyan. magaling pa naman din siya. pinagkukumpara na nga kami eh. fudge daniel ah... natameme lahat ng maiingay kanina nung nagspeech si Anna. di naman sa insecure ako sa kanya or anything, pero there goes my dream. *sobs.
naiinis din ako sa ibang tao ngayon. english ng english. hello, pilipino ka 'no! ang arte-arte mo naman. matamaan na ang matamaan.. basta. oo, nag-eenglish nga ako. pero marunong rin naman akong magtagalog. ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito. bad trip lang siguro ako, kasi nilipat ako ng bago naming teacher ng upuan na tahimik na nga ako.. sigh
nga pala, nung hapon ng first day ko, nag-resign yung adviser namin. kahapon lang namin nalaman. at least hindi plastic 'tong teacher namin ngayon. chyeaaa.